1. Dumatal – Dumating
Ang aming guro sa filipino ay dumatal at nagturo tungkol sa kanyang asignatura.
2. Masimod – Matakaw
Si Guillermo ay masimod ngunit hindi siya tumataba.
3. Agam-agam – Pangamba
Ako’y may agam-agam na baka may masamang mangayari ngayong araw.
4. Kumakandili – nagmamalasakit
Ako’y kumakandili sa mga taong naaapi.
5. Naapuhap – Nahanap
naapuhap ko na rin ang nawawala kong sing-sing.
6. Sipnayan – Matematika
Sipnayan ang aking paboritong asignatura.
7. Adhika – Gusto/nais
Ako’y nag-aadhikang tumulong sa mahihirap.
8. Nagkukumahog – Nagmamadali
Nagkukumahog umuwi si Rafael sapagkat siya’y natatae.
9. Hatinig – Telepono
Hatinig ang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga taga malayo
10. Anluwage – Karpintero
Anluwage ang trabaho ng ama ni Juan.

